Monday, June 28, 2010

Wala Naman

Ang sakit.

After ng break-up ko sa una kong boyfriend, di ko naisip na mas masakit sa pangalawang beses.

Hindi ko na nga kinayang mag-english.

Sa totoo lang, wala na kong ibang masabi dito kundi... Masakit. Sobrang nasasaktan ako... Sa nangyari, sa mga nangyayari, sa ginawa nya, at sa mga ginagawa nya.

Gusto ko nang lumipas to...

Kung wala na talaga kami, sabihin na nya. Hindi yung kung anu-ano pa yung nilalagay nya sa facebook at tinetext sa kin. Para alam ko kung saan ako lulugar.

Masakit maghintay. Masakit umasa. Masakit maghiwalay. Pero kung hindi mo alam kung alin sa mga yun ang gagawin mo ang pinakamasakit.

***

Magre-reply na ko sa mga text nya para makipag-ayos. Magiging matapang na lang ako kung ano man ang maging resulta.

Pero aminado ako sa sarili ko na sabihin mo lang na nagsisisi ka at magbabago, at ako pa rin lang ang mahal mo, pakshet, di ako magdadalawang-isip na kalimutan lahat. Hay...

Pusong-mamon talaga ko.

No comments:

Post a Comment